Monday, December 1, 2008

GREEN MARKETING COMPANY KRAN MARKETING COMPANY NOVARTIS MARKETING COMPANY

GREEN MARKETING COMPANY
KRAN MARKETING COMPANY
NOVARTIS MARKETING COMPANY

sounds familiar? 3 different company names pero isa lang may ari. scam yan. pagbebentahin ka muna ng household product worth 3 thousand pesos tapos pipirma ka ng kontrata. sasabihin 6-12 days lang ang training pero hindi consecutively yan. aabutin ka ng 1-2 months dahil lagi ka isususpend, or pag matatapos ka na sa 12 units mo, ihohold ka nila para mas mapakinabangan ka.

during your training, ikaw ang gagawa ng final evaluation ng applicant. paano? sasamahan mo sya magbenta sa kakilala, kaibigan, kamag anak nya kahit san pa na parte ng mundo kau makarating. matututo ka mang gago ng tao. manloko kasi kailangan mo mapa OK sya para magkaron ka ng allowance at unit. bubulyawan ka pag hindi mo napa OK o hindi mo napa benta ung aplikanteng binigay sau. kung malas ka pa, suspension o termination ang aabutin mo.

12 units= 12 aplikante na napag benta mo
3k ea x 12 = 36 thousand pesos

yan ang ipapasok mo muna na pera sa kompanya

pag pinagpala ka at natapos mo ang units mo, mag aantay ka pa ng 2 linggo hanggang 1 buwan para lang matanggap ung 3k na sinasabi nila na for your food and transportation allowance.

guys, bottomline, gaguhan at scam lang ang mga company na yan. wag na kayo dumagdag sa mga taong naloko niyan.

hindi ka magkakaron ng 250 pesos per day. katarantaduhan yun sinasabi nila na yan. trust me. pag di mo pa pinaniwalaan tong article na to, tanga ka na.